Maraming
katangian ang mga Pilipino na dapat ipagmalaki. Ang mga sumusunod ay kung paano
nila ipinapakita ang mga katangian na ito:
"Pagtitiwala sa Panginoon o Maka-diyos"
Isang magandang katangian ng mga Pilipino ay ang pagtitiwala sa
Panginoon. Iba-iba man ang kanilang relihiyon ay hindi nila nakakalimutang
pumunta at manalig sa kanilang simbahan upang magpasalamat sa kanilang Poong
Maykapal. Kahit ang mga Pilipino ay nakakaranas ng matinding hirap, sila parin
ay palaging may tiwala sa Panginoon. Naniniwala silang may isang Panginoon na
pumapatnubay sa lahat ng kanilang gawain at naniniwala silang may Panginoon na
hinding-hindi sila pababayaan.
"Sa Diyos dapat manawagan ang lahat ng nilalang, ang sa mundo ay pumanaw, tadhana ng kapalaran.
"Pagmamahal sa Pamilya"
Maipapakita mo ang pagmamahal mo sa iyong pamilya sa kahit anong paraan. Mahalin mo sila katulad ng pagmamahal mo sa sarili mo, gabayan ninyo ang isa't isa, bigyan niyo ng respeto ang isa't isa upang makaiwas sa hindi pagkakaunawaan, bigyan niyo ng oras ang inyong pamilyang upang mas tumibay at mas maging masaya ang inyong pamilya. Iyan ang mga bagay na makakatulong upang mas maging masaya ang inyong pamilya at makakatulong din ito kung paano mo maipapakita ang pagmamahal sa iyong pamilya.
"Katutubo sa magulang na ang anak kapag mahal, ang ingat ay gayon lamang ni sa hangi'y di pahipan."
"Pagtutulungan o Bayanihan"
"Ugali ko pagkabata na maglimos sa kawawa, ang naipagkawanggawa bawiin pa'y di magawa."
"Matatag sa harap ng suliranin"
Maraming mga pagsubok ang dumadating sa buhay ng mga Pilipino pero hindi sila sumusuko. Ito ay isang kahanga-hangang katangian ng isang Pilipino. Sila ay nagkakapit-bisig upang malutas ang kanilang mga problema sa buhay. Dapat maging matiyaga ang mga Pilipino sa harap ng pagsubok dahil lilipas di naman ito. Sa harap ng suliranin, ang pagsubok ay hindi dapat tinatakasan dahil hindi naman ito makakatulong sa paglutas ng ating mga problema. Ang mga Pilipino ay kilala bilang matatag sa mga pagsubok na dumadating at hindi nila ito sinusukuan, babangon at bangon din yan at gagawa ng panibagong bukas.
"Nasimulan nang gawain ang marapat ay tapusin, Sa gawang pabimbin-bimbin wala tayong mararating."
"Pagkakaroon ng utang na loob"
No comments:
Post a Comment